"If you think I'm going to marry you, woman, you have another think coming!" Ang mga salitang ito'y nanggaling sa lalaking nakatakda raw niyang pakasalan, ayon sa alamat ng singsing na ibinigay ng ninong niya. Palibhasa'y nagulo ang balahibo, kahit hindi siya naniniwala sa alamat ay nagdesisyon si Tamara na sundan-sundan ang lalaki: Hamunin, tuksuhin, landiin! Laro lamang sa kanya ang lahat. Hindi niya ito titigilan hangga't hindi niya napapabagsak ang Bataan! Ngunit may sa hokage ang powers ng singsing... pumaparaan!All Rights Reserved