Ipinanganak akong straight na lalaki. Oo, sigurado ako do'n. Walang duda. Bagamat ang tiyuhin ko na isang bading ang nag-aruga sa akin mula pagkabata ay hindi naman nito naimpluwensyahan ang aking pagkasino. Sabi kasi ng karamihan, kapag ang isang lalaki ay napapaligiran ng mga bading, magiging kauri na din nila ito. Tangna, sana naman hindi.
Sa edad kong labinwalo, at sa guwapo kong ito. Maniwala ka man o hindi, dalawa lang ang naging girlfriend ko ngunit mipagmamalaki kong lahat iyon ay seryosohan. Hindi kasi ako mapaglaro. Ang pag-ibig ay hindi libangan o pampalipas oras lang, iyan ang turo sa akin ng tito kong bading na si YOWHAN o mas kilalang bilang si Daddy Yo.
Ewan ko ba, seryoso naman ako pagdating sa usaping pag-ibig. Lahat ibinibigay ko kahit na ubos na ang aking allowance. Hindi. Lahat binibigay kong pagmamahal, pag-aaruga at pagmamalasakit subalit bakit tila yata hindi parin iyon sapat sa kanila. Bakit lagi nila akong iniiwan. Bakit nila ako ipinagpalit sa iba? Pambihira.
Dahil sa sunud-sunod na kabiguan, naglie-low muna ako sa pakikipag-girlfriend. Nagfocus na muna ako sa aking pag-aaral at pagwoworking student. Subalit kung kailan naging maayos na muli ang takbo ng buhay ko, ay siya namang pagsulpot ni LOUIE sa buhay ko. Katorse anyos na batang lalaki....at patay na patay sa akin? Whoooh..hanep..Akalain mo?
Saan ako dadalhin ng pag-ibig ni Louie? Magawa ko kayang tumbasan ang pag-ibig na iniaalay niya? Gayung alam kong lalaki kaming pareho.
Dahil bigo sa unang pag ibig si Racquel ay lumayas sya sa Manila at nagbalik probinsya. Doon ay ginamot nya ang pusong sawi at sugatan. Ngunit hindi pa naghihilom ang sugatang puso ay tila gusto na agad nitong sumabak muli sa panibagong laban ng pag ibig. Sino ba naman kasi ang hindi iibig sa kanyang kapitbahay na saksakan ng kisig at gwapo?
Juan Miguel Herrera & Racquel