Matapos ang aksidente ng Mommy nya tatlong taon ang nakararaan, nagbago na ang pananaw ni Gabbie Mendoza sa mga mayayaman. Para sa kanya, lahat ng mayayaman ay mapagmataas, mayabang, matapobre at walang ibang mahalaga sa mga ito kundi pera. Ngunit sa malas ay estudyante sya ng Xavier University - ang unibersidad ng mga mayayaman, mga sikat at makapangyarihan. Sa araw-araw na nakakasalamuha nya ang mga "privileged" nyang kaeskwela, lalo lang syang nakukumbinsi na tama ang opinyon nya sa mga ito. Kaya naman kulang na lang hilahin nya ang araw hanggang makaalis na sya sa lugar na iyon.
Ngunit, isa pang aksidente ang magpapabago sa buhay Gabbie dahil hindi man nya pinlano ay nahulog ang loob nya sa isa sa mga taong pinaka ayaw nya - isang mayamang lalaki. At ang aksidenteng iyon ang magiging daan para magsimula syang kwestiyunin ang mga pinaniniwalaan nya. Kaya nga bang higitan ng pag-ibig ang galit sa puso ng tao?Todos os Direitos Reservados