Lumaki ako na puno ng pagtatanong, paghahanap at pagpapalaya. Bawat pangyayari inaasahan ko na may sagot pero hanggang ngayon lahat ay nanatiling tanong. Maging ang pang-iiwan, pagdating at pananatili ay isang palaisipan. Pero ang pagmamahal ay hindi naging tanong para sa akin, nararamdaman ko at nasasaksihan ko. Walang tama o mali tanging sawi at wagi. Sa pagsisimula at pagtatapos ang palagian kong tanong, sasaya ba?