Isa akong normal na tao.
May normal na pangangatawan at pag-iisip.
Normal kung makitungo sa iba.
Normal manamit.
Normal!
Basta normal ako! Gets!?
Pero simula ng mai-post ang mga pictures kong iyon sa isang site, tila bumaligtad ng 540 degrees ang buong mundong ginagalawan ko.
My once black hair ay na-edit at ginawang blonde.
Ang katawan kong medyo may kurba ay mas lalong pina-sexy.
At ang damit na suot ko? Haha. Pang-gangster.
Sari-saring pose ang mga pinaggagawa ko. Mga pose na di ko akalaing magmumukhang nakakatakot.
Ang lahat ng iyan ay with courtesy of my bestfriend. Na pati mga iba pa naming kabarkada ay napasama in action at photoshoot.
Arrghh!
Ayos lang sana kung sa normal na site lang nailagay yun! Pero hindi...
Sa isang Real Gangsters' Site siya naka-post.
And after a week.....
Nagulat nalang kaming magkakaibigan ,pero imbis na tuwa ay inakyatan pa ako ng takot sa aking mga nakita at nabasa.I'm scarred for life!
All Hell Broke Loose!!!
Sari-saring likes. May nag-share pa!
Puro comment on how sexy I am there. May mga nambastos pa!
May mga nag-add sa akin. May balak pang mang-stalk!
Mas namutla pa ako ng mabasa ang isang mensahe na nagdedeklarang...
"I'm officially the Gangsters' Idol!"
...oh men...