Story cover for Ang mga Mandirigma ng Silangan (Extras) by JL_Tork
Ang mga Mandirigma ng Silangan (Extras)
  • WpView
    Reads 37
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 2
  • WpView
    Reads 37
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 2
Ongoing, First published Aug 07, 2016
Dalawang siglo na ang nakakalipas ng magkaroon ng digmaan ng mga tao at aswang sa ibabaw ng lupa. Isang napakalaking digmaang tinatayang magwawakas sana sa lahat ng lahi ng mga tao at buong lipi ng iba pang nilalang na may buhay na kasama nilang nakikipamuhay sa ibabaw ng lupa. Ang panahon ng digmaan na iyon ay tinawag na 'Madilim na Panahon ng Kalupaan'. Iyon ay digmaan sa pagitan ng kabutihan laban sa kasamaan... ng liwanag laban sa kadiliman... ng mga may buhay laban sa mga walang buhay...
All Rights Reserved
Sign up to add Ang mga Mandirigma ng Silangan (Extras) to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
One Last Night with Trinidad by sntdivi
8 parts Ongoing Mature
Sinasabi nila na kayang magtagal ang pag-ibig kahit sa pinakamatinding digmaan-ngunit paano kung ang digmaan mismo ang pinakamalupit na kalaban? Sa gitna ng nagbabantang pagbagsak ng pamahalaang Kastila at ang pagdating ng mga bagong mananakop, isang lihim na pag-ibig ang unti-unting umusbong sa pagitan ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Si Trinidad, ang anak ng isang namayapang ilustrado na dating lumaban para sa reporma, ay pinanday ng lungkot, galit, at hangaring ipagpatuloy ang laban ng kanyang ama. Samantalang si Severino, isang tapat na Pilipinong guardia civil, ay nahulog ang loob sa babaeng bahagi ng kilusang lihim na Reklamadores. Sa pagsiklab ng Digmaang Español-Amerikano noong 1898- isang digmaang magtatakda ng kapalaran ng buong kapuluan- pinilit nilang pangalagaan ang isang pagmamahalan na isinilang sa pagitan ng tungkulin at pagtataksil, ng dangal at pagnanasa. Isang pag-iibigan na itinaguyod sa kabila ng panganib, pagdududa, at magkaibang pananaw sa kalayaan at pananagutan. Ngunit ang digmaan ay walang pakialam sa mga pusong umiibig. Ang kanilang lihim na ugnayan ay unti-unting nahulog sa pagitan ng tungkuling sundin ang utos ng kolonyal na kapangyarihan at ang matinding pagnanasang makalaya mula rito. Makakaligtas ba ang kanilang pag-ibig sa gitna ng kaguluhang nilikha ng digmaan, o magiging isa na lamang itong trahedyang magpapatunay na sa panahon ng pananakop, walang sinuman ang ligtas- maging ang dalawang pusong sabay na tumibok sa gitna ng himagsikan?
You may also like
Slide 1 of 8
The Last Gray-Haired Witch cover
Aswang Killer: Season 1 cover
FALLEN ANGEL(book#1) Completed cover
Temet Nosce cover
One Last Night with Trinidad cover
Queen Vampire Hunter ( Complete) cover
HIRAYA: Ang Kwento ng Pitong Buwan (Published by Summit Popfiction) cover
ARGOS: Ang Hari sa Propesiya cover

The Last Gray-Haired Witch

12 parts Complete Mature

Ilang libong taon na ang nakararaan,mayroong isang angkan ng mga makapangyarihang salamangkero ang siyang nabubuhay na siyang kinatatakutan ng iba pang mga angkan.Sila'y bihasa sa puting salamangka o maging ang itim na salamangka subalit mas higit silang kinikilala dahil sa kakaibang kulay ng kanilang mga buhok.Ito'y maihahalintulad sa kulay ng abo at sa tuwing kabilugan ng buwan,tinatamasa nila ang walang hanggang kapangyarihan. Iniiwasan at kinatatakutan sila ng lahat.At ito ang naging mitsa upang sumiklab ang digmaan ng mga angkan.Layunin ng digmaan na lipunin ang angkan ng nga Abo at nagtagumay nga sila.Binalot ng dugo ang lupain ng mga makapangyarihang salamangkero,walang itinira mapababae man o bata.At sa tagumpay na iyon,ipinagdiwang iyon ng lahat. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman,nakatago ang isang lihim.Bago pa man naganap ang pangyayaring lumipol sa Angkan ng Abo,isang batang paslit ang iniluwal ng isang natatanging salamangkero ng buong angkan. At sa paglipas ng panahon,muli niyang itatayo at ilalantad sa mundo ang kaniyang angkan at baguhin ang naisulat sa kasaysayan.