Sa isang Campus may iba't ibang klase ng grupo. May mga hearthrob, campus princess, may mga bullies at may mga Nerds Isa kami sa mga grupo na pinandidirian nila. Hindi naman sa itsura kundi kung paano kami manamit. Makakapal kasi ang mga salamin namin, may mga braces at laging may mga librong hawak. Lagi nila kaming pinaglalaruan,lalo na 'SILA'. Pinaglaruan nila kami hindi lang sa aming pagkatao kundi pati rin ang aming damdamin. Pinaniwala at pinaasa nila kami pero isang malaking 'TRIP' lang pala ang lahat. Ngayon nandito na kami ulit , kami naman ang makikipaglaro sa inyo ?