Sabi nila ang mga tunay na kaibigan, laging nandyan para sa iyo. Ang mga tunay na kaibigan handang gawin ang lahat para lang sa iyo. Ang mga tunay na kaibigan nakikinig sa lahat ng sinasabi mo. Ang mga tunay na kaibigan ang isa sa mga dahilan kung bakit kaya mong ngitian ang mga problema mo. Ang mga tunay na kaibigan ang matitira sa tabi mo kapag tinalikuran ka ng mundo. Ang mga tunay na kaibigan ay susuportahan ka sa ano mang mahal mo at mga pangarap mo. Pero pano kung ang mga tunay na kaibigan mo rin ang dahilan kung bakit nawala ang mahal mo at kung bakit hindi mo natupad ang mga pangarap mo? #TheNotSoSquadGoals diba?
3 parts