Ang kwentong ito ay nabuo sa pangalan ni Lola Cresilda na nasawi sa isang aksidente kung saan siya'y nasagasaan ng isang sasakyan na minamaneho at sinasakyan ng grupo ng kabataan sa kasukalan ng isang tagong lugar sa may bandang Capiz. Ayon sa kanyang mga dating kapitbahay, siya ay nagmula sa pinakamalaking angkan ng mga mangkukulam sa Capiz. At hanggang ngayon, hindi pa rin mahanap ng pamilya ng mga kabataang nakadisgrasya kay Lola Cresilda ang kanya-kanyang katawan ng mga ito. Kung ikaw ang isa sa grupo ng mga kabataang yon, anong gagawin mo para makaligtas at mabuhay sa matinding paghihiganti ni LOLA CRESILDA?