Ang Basagulerang Reyna Ng Mga Gangster Book 3 (UNEDITED)
60 parts Complete Wala ng mahihiling pa si Danni. Masayang-masaya siya dahil sa wakas nabigyan na rin ng hustiya ang pagkamatay ng kaniyang Kuya. Pero, 'yong inaakala nilang patay ay buhay pala. Nang malaman ni Danni na buhay ang Kuya niya, pakiramdam niya siya na ang pinakamasayang tao sa mundo at lahat ng pinaghirapan niya ay naging matagumpay. Hindi nga siya sumuko mula sa umpisa pa lang hanggang sa pumasok siya sa gangster world at hindi siya nagsisi na maging parte ng mundong ito.
Pero, hindi pa tapos ang lahat. May mga tao pa na magiging hadlang sa buhay nila at magiging parte ng pagsubok nila. Pero, naniniwala si Danni na malalampasan rin nila ito. Magiging payapa at masaya ang katapusan nito.
Mula sa pagiging basagulera, hanggang sa tanghaling siyang reyna ng mga gangster.