
Sa makabagong mundo, tila alipin pa rin tayo
Mula sa pananalita hanggang sa gawa
Utak kolonyal ay hindi mawala-wala
Habang buhay na lamang ba tayo magsasawalang bahala?
Ano pa ang saysay ng bawat luha at dugong pumatak
Kung hanggang ngayon, tayo ay watak - watak
Ano pa ang saysay sa pagbuwis ng buhay para sa bayang sinisinta
Kung mga burgis pa rin ang patuloy na nag mamanipula?
Mga trapong pulitiko na kibit-balikat sa pag lustay ng kaban ng bayan
Habang sa pagkalam ng maralitang tiyan,asin at tubig ang tangi nilang sandigan
Mga dayuhang negosyante na patuloy na yumayabong ang kabuhayan
Habang patuloy na nalulugmok sa kahirapan ang mga nasa laylayan ng lipunan
Kailan tayo magigising sa matagal ng pagkakahimbing?
Pitik bulag na lamang ba sa mga mapagsamantala at tuluyan ng paalipin ?
Kailan tayo maninindigan para sa ating naghihingalong Inang Bayan?
Kung hindi ngayon, kailan pa? ; Bayan o Sarili mamili ka!Alle Rechte vorbehalten1 Kapitel