Sa una palang ay may gusto na si hendrix ky maxine , noon pang nasa iisa silang subdibisyon. Gusto niyang makipag laro sa ibang mga batang nasa tapat ng kanilang bahay kaya lumabas ito at sinabing gusto niya ring sumali sa kanila ngunit linayuan lang siya ng mga kapwa niya bata. Napaupo si hendrix at naiiyak sa mga sandaling iyon hanggang sa lumapit si maxine na kanina pa nakatayo at pinapanood siya. Tumingin si hendrix sakanya, ngumiti si maxine at inaya itong maglaro.
Mula sa araw na iyon, naging malapit na ang dalawa sa isa't -isa, 16 yrs old si maxine at 17 si hendrix ng maaksidente si maxine dahil pupuntahan nito si hendrix, subalit nangyari ang isang aksidente. Tumama ang ulo ni maxine sa kotse at gumulong gulong saka tumama ulit ang ulo nito sa bato. Nagkaroon ito ng maliit ng damage sa ulo kaya nawalan ng alaala. Umalis ng bansa ang pamilya ni max kasama ito.
lahat nagbabago kaya pati si hendrix ay nag bago simula noon nababarkada na ito, gabi kung umuwi at sikat sa kanilang skwelahan.
Dalawang taon ang lumipas, bumalik sina maxine, nalaman iyon ni hendrix ngunit pinigilan nito ang sarili na puntahan ang dalaga. dahil kinakabahan siya ng hindi nito matukoy kung bakit.
Laking gulat niya ng masilayan nito ang dalaga sa hallway na naglalakad at may suot sa tenga na earphone at libro. Tulad noong unang nagkita ang dalawa muli ay nakaramdam nanaman ito ng kakaiba.
Araw-araw, lagi nang sinusubaybayan ng binata si maxine. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili at umamin na ito sa dalaga kahit hindi niya ito maalala basta masabi nito kung ano ang nararamdaman niya. Kahit mareject pa siya, gagawin niya ang lahat upang mahalin din siya nito.