Ligaw Tips By: Patrick Tagal kong inisip yung iba dyan Ligaw Tips #1. Malaking turn-on sa girls pag napapatawa mo sila. Gawing ice breaker ang pagbibigay ng joke (wag yung double meaning) para humaba ang usapan nyo. Kikiligin sila don pero konti lang. Siguro mga 5-8 seconds. Ligaw Tips #2. Importante sa panliligaw ang pagiging mabango dahil ang mga babae, hindi nila sinasabi sayo kung mabango ka o hindi. Kusa nalang yan lalayo bigla. Nagiging judgemental din sila pag dating sa bagay na yan. Parating tandaan na ang personal hygiene lang ang katapat nyan pero wag mo sosobrahan. Yung tamang sakto na tama pero yung sumasaktong tamang sasakto sa tama lang. Mas dagdag kilig factor sa babae pag ang lalake ay fresh sa paningin nila.