Sa isang dahilan kailangan kong umalis. Kailangan kong magpakalayo layo. Iwanan ang mga taong halos bumuo sa pagkatao ko. Sa kadahilanang iyon kailangan kong magsakripisyo. Isakripisyo ang mga bagay na nakasanayan ko ng gawin. Isakripisyo ang mga bagay na gusto ko. Iwanan ang mga kaibigan ko. Iwanan ang lugar na halos 8 taon kong nanatili. Sa isang dahilan kailangan kong bitawan lahat ng bagay na bumuo sakin tumulong na kilalanin ang kakayahan ko at nandyan twing kailangan ko sila. Kung bakit ba kase kailangan kong gawin to. Matagal na dapat pero bakit hanggang ngayon di ko padin mabitaw bitawan yung mga pangako nya. Pangako na dati alam kong di mo bibiguin. Isang dahilan lang naman bat di ko pa kase kayang gawin.