Hayyy. Tag-ulan na naman, Kaya Tamad tamaran ang galawan. Ganyan tayo eh, Kain, Cellphone At Tulog. Ganyan tayo madalas diba? Lalo na kapag walang pasok.
Yung Sobarang naghihimutok na si Haring Araw Ikaw tulog parin. Dahil lang naman sa kadahilanang Napuyat ka kagabi sa mga katawagan at katext mo. Ahays Nakuuu. Huwag kanang umasa iiwanan kadin nyan Bhess, Ganyan naman sila ee Puro salita lang. HAHAHAHA Joke Nagmumukha na akong bitter dito ohh.
Dahil late na nga gumising At dahil mabait naman si Mama. Okay lang Diretso Kusina Kain kain lang. Yung pagbungad mo sa lamesa nyo, Kahit noodles lang ay masaya na. HAHHAH Wag kang ano, Mami Seafood yon uyyy. Ahays. Sensya na Di kami rich ee.
Then pag nahinip Facebook, Games o Music ang libangan Yung kahit may assignment Hindi man lang sipaging gawin. (HAHHHAHA) So, yun nga nasabi kolang (HAHAHA). Mga Ganyang Estudyante, Sige ipagpatuloy lang yan. Uunlad talaga bansang Pilipinas nyan HAHAHAH. Go lang Keri Bells mahahanap mo true love nyo jan. Pagbutihan pa HAHAHAH Buhay talaga Ohh, Parang Life lang.
sa Hinaba't haba At katapusa ng Araw mo ay Parang wala man lang nagawang makabuluhan. Sabagay Hindi naman makukuha ng Ganung kabilis ang mga Bagay bagay. So, Bago paman ang matapos ang lahat. Nais kolang sabihing Sumusulat ako dahil gusto kong mailabas lahat ng Hinaing ko sa buhay. Kahit sa simpleng paraan lamang, Paraang Ako sa sarili ko alam kong masaya ako.
Mabuti pa ay tama na ang daldal Halina kayo't subaybayan Ang aking kwento. Samahan ako sa aking iba't ibang chikang pwedeng maihatid sainyo. Kwentong magbibigay sainyo ng Aral, Magbabahagi ng kahulugan ng buhay At Magpaparamdam ng Kahalagahan ng bawat bagay..