92 parts Complete Matapos ang isang kahindik-hindik na pangyayari noong bata pa lamang si Elyse Sarmiento, hindi lang siya nawalan ng ina, nawalan din siya ng paniniwala sa musika at tuluyan na itong tinalikuran. Gawa ng trauma sa insidenteng nangyari, nagkaroon si Elyse ng melophobia o labis na takot sa musika. Lingid sa kanyang kaalaman, siya'y nabiyayaan ng kakaibang kakayahan sa pamamagitan ng kanyang boses o ang tinatawag nilang "Gift of Healing."
Ngunit, magbabago ang tingin niya sa musika at sa kung ano ang nagagawa nito nang pagtagpuin sila ni Jeremiah Villaruz na bata pa lamang ay napag-alaman nang may karamdaman sa puso.
May pagkakataon pa kaya upang bumalik ang loob ni Elyse sa musika? Ano kaya ang magiging papel ng binata sa kanyang buhay? At ang musika na rin kaya ang magiging daan upang maturuan niya ang sariling magmahal na noon ay akala niyang imposibleng mangyari?