Dear Charo(t) Ako si Kekay. Ito ang aking buhay. Nais kong ibahagi sa iyo, Mommy Charo ang buhay ng pinakamaganda at pinakamaganda at pinakamagandang babae sa balat na tinalupan ng universe. Atin pong subaybayan ang kwento ng aking buhay. Dahil ako si Kekay, ang tinaguriang valedictorian noong nasa Day Care pa lamang ako kaya't nararapat lamang na bigyan ng pansin ang isang tulad ko. Marami akong kwentong puro kaechosan. Marami akong itatalak sa inyo. Siguro sapat na ang 99 chapters? Syempre biro lang! Hindi ito isang talambuhay, isa lamang itong kwento ng pakikibaka, pakikikabayo, pakikikalabaw at pakikitupa. Nawa'y pagpalahin ka ng karpintero gamit ang kutsara. Sana ay nagets mo.. Walang minamahal, Kekay Bhosz Mapagmahal! Bente uno! Damn that kid! *dab*