Dugdug... Dugdug... Wala akong ibang marinig kundi ang tibok ng puso ko... Hindi ko maimulat ang mga mata ko... Hindi ko maigalaw ang mga daliri ko... Ang tanging kaya kong gawin ay pakiramdaman ang paligid ko. Biglang nagsalimbayan ang mga alaala sa balintataw ko. *** GUSTO KO NG MAMATAY! Sigaw ko ng buong lakas na ikinagulat nilang dalawa. Malutong na sampal ang aking natanggap mula sa aking tiya na ikinadapa ko sa malamig na semento ng kalye. Napatawa ang mga pinsan ko. EH DI GAWIN MO! Nanunuyang sagot ng pinsang kong mas matanda sa akin ng dalawang taon. GUSTO MO VIDEOHAN KA PA NAMIN? Dagdag pa ng bunso. Nang-uuyam ang kanilang mga tingin sa akin na wari'y ako na ang pinakawalang-kwentang na tao sa buong mundo, at wala silang pakialam kung anuman ang kahantungan ko. Bagkus ay matutuwa pa sila. Sobrang lugmok na ang pakiramdam ko nang mga oras na iyon. Ilang dagok ba dapat ang dapat kong salubungin? Hindi ko na mabilang. Naikuyom ko ang aking mga kamao at matalim silang pinakatitigan. Napatayo ako at sinalubong sila ng matalim na titig. MAY ARAW DIN KAYO SAKIN! Paatras akong humakbang at tiim-bagang na sinalubong ang kanilang mga tinging nakakainsulto. Rinig ko ang malakas na ugong ng mga sasakyan. Patawid na sana ako sa kalye nang nakadalawang hakbang pa lang ako ay... ROSA! Tili ng magkapatid... Ramdam ko ang pagtama ng matigas na bagay sa katawan ko. At ang huli kong natatandaan ay ang makulimlim na kalangitan at ang unti-unting pagpatak ng butil ng ulan sa aking mga mata. ***Dugdug... Dugdug... ***Toooooooooooooooooottttttttttttttt...............*** NURSE! DEFIBRILLATOR! 100 JOULES! CHARGE! 200 JOULES! ***Toooooooooooooooooottttttttttttttt...............*** LABAN, LUMABAN KA... LABAN, ROSA MIA... ROSA MIA New Me. New Life. © Freyja Elektra 2016Todos los derechos reservados