Tahan na, aking Ina Huwag ng lumuha pa Paghihinagpis ay wakasan na Sabay tayong magpunas ng luha Alam kong mahirap para sa'yo na makita ang tahanan mo na unti-unti ng sinisira ng mga anak na kinupkop mo Patawad na wala akong magawa upang sakit ay maibsan na Patawad na wala akong magawa upang sila ay pigilan pa Ngunit ako'y pakinggan Ina Ikaw ay hindi nag-iisa Sa pangangalaga sa tahanang ibinigay mo Pangako, tutulungan kita.All Rights Reserved