May mga taong umaalis..Meron din namang dumadating,lahat yan nangyayari ng may rason kaso minsan dumadating yung oras na gustong gusto na natin malaman kung bakit kasi sobrang nasaktan ka.. "Doc, ano po laman nyang locket mo?" Tanong ng isa sa mga pasyente ko.. Pinakita ko sakanya."wow, ang ganda nya! Sino po sya?" Sabi nya pagkakita nya sa picture.. "Sya si... -------------------------------------------------------------------------------------------------------------- "J anong kukunin mong profession paglaki mo?" Wika ni Chi "Gusto ko maging doctor! Para pag nagkasakit ka ako ang gagamot sayo chi! Eh ikaw ano gusto mo?" Pagmamalaki kong sagot.."Gusto ko maging paglaki ko?" Sabi nya.. "Oo" sagot ko "ahmmmm...gusto ko maging nurse para lagi kitang kasama!" Sagot nya "Talaga ah! Sabi mo yan!" Wika ko.. "Oo PROMISE!"