Julia! Nahanap ko na siya!” Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya. “Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!” “Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo pa kilala. Sasabihin mong meant to be kayo pero ni isang characteristic eh wala kayong pagkakapareho. Tapos in the end, you’ll end up getting hurt.” “Hay nako bruha ka! wag ka ngang nega! Kaya minamalas ang mga tao kasi negative kung mag-isip. Think positive kasi diba!?” “Think positive? Eh kahit naman nagthithink positive ka eh negative parin yung nangyayari! Isipin mo ha, yung mga una eh niloloko ka, nung sumunod eh bakla pala, nung pagkatapos nun eh muntikan ka pang mapahamak at yung kahuli-hulihan eh hindi ka pa nagsisimula eh wala na kaagad pag-asa.” “Julia naman…sigurado na ako. Sure kasi talaga ako sa nararamdaman ko ngayon eh. I can really feel it!” Napabuntong hininga siya nun tapos naglean nalang sa may wall. “Oh siya. Sino ba siya? Classmate niyo? New student?” Ngumiti ako ng malaki sa kanya. “Hindi ko alam eh! tulungan mo naman akong malaman ang pangalan niya!”