Hindi lahat ng Tao ay naniniwala SA mga superstitions o pamahiin. Pero sabi ng iba Wala namang mawawala kung susubukan mo ang mga ito. Naalala ko kasi ang sabi ng mga katropa ko. Ako na lang kasi ang walang girlfriend SA kanila. Nabanggit din SA akin ng katropa ko na nagkatotoo ang kanilang hiling SA pamamagitan ng pamahiin. May nabasa rin akong pamahiin na katulad din SA mga kaibigan ko "Malalaman mo na ang babae para sayo ay ang true love mo SA pamamagitan ng paghalik SA kanya SA 12:00am SA araw ng bagong taon" Sinsabi kasi nila na swerte para SA dalawang magkasintahan na magkaroon sila ng NEW YEAR'S KISS. Nang marinig ko ang pamahiing ito ay nainspire akong sumulat ng isang istorya na kahit Hindi man nangyari SA totoong buhay ay tiyak na hahangaan niyo ang pagtitiyaga niya mahanap lang ang kanyang TRUE LOVE. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, Handa mo rin bang ibigay pati ang oras at buhay mo, matupad lang ang gusto mong magkaroon ng THE ONE SA buhay mo?