DAGLI: Dark Flash-fictions

DAGLI: Dark Flash-fictions

  • WpView
    Reads 19,770
  • WpVote
    Votes 252
  • WpPart
    Parts 10
WpMetadataReadComplete Thu, Jun 11, 2020
May mga pagkakataon na hinahatak tayo ng kadiliman mula sa mga sari-saring emosyon na gustong umalpas sa ating kaloob-looban. Maaring likha ito ng matinding poot, inggit, ligaya o ano pang emosyon na nananahan sa atin. Naipon at ngayon ay gustong kumawala. Maaaring matagpuan natin ang pansamantalang kapahingahan sa kadiliman. Pero ang sobrang pagkakalunod sa karimlan ay maaaring makasama- makulong sa walang hanggang dilim. May kaniya-kaniya tayong paraan sa paglaya. Ibat-ibang mekanismo para takasan ang masalimuot na reyalidad para manatiling gising at humihinga. Ito ang mga Dagli na likha mula sa sari-saring emosyon na gustong kumawala sa may-akda. Gamitin natin ito para lumaya(g) sa walang hanggang katubigan at makipagbuno sa dilim sa tuwing hindi makita ang liwanag. Padayon! Book cover by adthemediator
All Rights Reserved
#98
flashfiction
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Ang Mahiwagang Lihim
  • Night With A Psycho
  • Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)
  • The Wife (BOOK 1)
  • Sana Ako Na Lang
  • Sundo
  • Kung Pwede Lang Sana
  • The Day She Died [COMPLETED]
  • TRESE [Completed]
  • Her Flower On A Butterfly

📜Isang Kwento sa Mundo ng NexMythos. Bago pa isinilang ang Dakilang Anak. Bago pa narinig ng daigdig ang unang tibok ng puso ng isang nilalang - may lihim nang itinago sa pagitan ng liwanag ng mga bituin at ng kadiliman. Isang lihim na hindi isinulat sa aklat ng panahon, kundi inukit sa mismong hibla ng kaluluwa ng sansinukob. Isang lihim na hindi nilikha - kundi itinadhana upang ibalik ang balanse ng mundong papalapit sa pagkagunaw. Mula sa alon ng walang hanggang enerhiya - at sa sentro ng diwa ng Banal na Tagapaglikha... isinilang ang Dalawang Kambal ng Kadakilaan: Ang Liwanag. At ang Dilim. Ngunit sa gitna ng kanilang balanse at pagkakaisa, may isa sa kanila ang lumihis ng landas. Naging sakim... at tinawag ang sarili niyang - diyos. Doon nagsimulang mabiyak ang balanse ng sangkalangitan. Ang mga tala'y nagdugo. Ang oras ay tumigil. At ang tinig ng liwanag... ay tumahimik. Isang mahiwagang selyo ang inilimbag sa puso ng sangkalawakan - selyong walang sinumang mortal ang maaaring bumasa at pumasan... maliban sa Isa. Ang mahiwagang lihim ay hindi hinahanap. Ito'y kusa lamang nagbubunyag... sa piling ng mga pusong handang masira-upang buuin muli ang dakilang pag-ibig ng sansinukob. At sa pagkinang ng mga bituin... at sa paghuni ng mga pangitain... Isinilang siya. Ang pangalan niya ay - hindi pa isinusulat sa kasaysayan. Ngunit malapit na. Dahil ang dilim ay patuloy na naglalakbay... at ang liwanag ay muling magtatanong: "Handa ka na bang tuklasin ang mahiwagang lihim?" Huwag palampasin ang bawat kabanata ng kwentong hindi mo malilimutan!🔥 #NexMythos #Fantasy #MultiverseFiction #FilipinoFantasy

More details
WpActionLinkContent Guidelines