Lumaki si Anette na ang daddy lang niya ang nakagisnang magulang, kung kaya handa niyang gawin ang lahat ng makakaya para mapanatili sa piling ang ama. Kahit pa ang magpakasal sa aroganteng si Lawrence Ng, kapalit ng three hundred million cancer treatment research fund na maaring makapagbigay lunas sa karamdaman ng ama. Dahil sa pangbablackmail ni Lawrence ay ninais ni Anette na magrebelde. Ibinigay niya ang kaniyang virginity sa isang estranghero. Hindi niya lubos akalain na hahabulin siya ng nagawang pagkakamali makalipas ang dalawang taon. Si Kiel ang itinuturin niyang malaking pagkakamali. Tuwing nakikita niya ito ay nagiguilty siya sa asawa. Ang hindi pa niya lubos na maintindihan ay kung bakit tila si Lawrence pa ang nagiging daan para mapalapit ang landas nila ni Kiel. Paano kung malaman ni Lawrence ang lihim na nakaraan nila ng binata? O si Anette ba ang magigimbal sa sekretong itinatago ng asawa?