"Be mine,again".
Ramdam ko ang init ng hininga nya sa leeg ko matapos bitiwan ang mga katagang iyon.
Pinigil ko ang mga luhang gusto ng kumawala sa mga mata ko.Pumiglas ako at pilit kumawala sa mahigpit nyang pagkakayapos,pero lubhang malakas ang mga braso nyang mahigpit na nakapalupot sa'kin.
"let me go",may halo ng pakiusap sa tinig ko pero parang bingi lang sya na hindi narinig ang sinabi ko.bagkus lalo pa nya kong hinapit at isinandal sa kanyang katawan.
"say yes,please?"pagsusumamo nito at inilagay ang ulo sa kanang balikat ko."give me a second chance".
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko ng maramdaman kong unti unti ng nababasa ang kanang balikat ko,oo,umiiyak sya.
pilit kong pinatatag ang sarili ko ng bitiwan ang mga salitang alam kong magpapatigil na sa'min sa kahibangang ito.
"ikakasal na ako sa kaibigan mo next month,"
Mabilis nya akong binitiwan at ikinulong ang mukha ko sa kanyang mga palad.
"mas mahal mo na ba sya?",tanong na hindi ko masagot ng nakatitig sa nagsusumamo nyang mga mata.
ibinaba ko ang tingin ko at marahang tumango.
marahas na binawi nya ang mga kamay na nakahawak sa mukha ko.nanatili akong nakayuko at hinahayaan lang ang masaganang luha sa pagtulo.
napaangat ang ulo ko ng muli kong maramdaman ang paghapit nya sa katawan ko palapit sa kanya.napasinghap ako ng matantong maliit na lang ang distansya sa pagitan ng mga labi namin.
"i will do everything para maging akin ka ulit",
anito habang unti unting tinatawid ang mumunting distansya ng mga labi namin.
napapikit nalang ako ng maramdaman ang paglapat ng labi niya sa labi ko.
at sa pagkakapikit kong iyon..naglakbay ang alaala ko sa dako pa roon,noon...
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is also the goddess of the Amazon tribe and claims he is "god", and their last hope to avoid extinction.
DISCLAIMER: THIS IS A FILIPINO LANGUAGE STORY