Masaya. Kontento. Tapat sa isa't isa. Ganyan ang pamilya ko. Ang Nanay ko ang pinaka-maalagain at pinaka-mabait na babae sa buong mundo. Si Tatay naman ang pinaka-responsableng lalaki na kilala ko. Kahit gaano pa man kahigpit ng schedule niya sa trabaho, ginagawa niya pa rin ang makakaya niya para makasama lang kami. Ako si Loki at ako ang nag-iisa nilang anak. Sa lahat ng meron ako, masasabi kong isa ako sa mga masuswerteng tao sa mundo. Pero nagbago ang lahat ng 'yun ng dumating siya...si Adam---ang kapatid ko.All Rights Reserved