Para kay Hanna Lopez, siya na yata ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Hindi kasi siya biniyayaan ng kahit anong above average na katangian. Bukod sa wala siyang talento sa kahit anong sports, hindi rin siya matalino at lalong hindi siya ipinanganak na maganda at mayaman. Wala siyang katangian na maipagmamalaki niya kung kaya't mababa ang self-esteem niya. Madalas siyang pagtripan ng mga kaklase niyang walang magawa sa buhay pero ang pinakamasaklap ay ang mabasted siya ng lalaking pinakamamahal niya. Forever na yatang ganito ang takbo ng buhay. Ngunit tila yata bumawi sa kanya si Lord nang isang araw ay makajackpot siya ng isang gwapong lalaki malapit sa school nila. Tila ito superman na to the rescue laban sa mga mapang aping kaklase niya. Ito na nga ba ang simula ng pagbabago ng buhay niya?