Ang buhay ay isang sugal. Ang araw araw ay isang pagtataya ng buhay na ibinigay.
Para kay Crescent Nicole Salvador at Gregoria San Juan, ang buhay nila ay isang paglalakbay na walang katapusan. Buhay na palaging may bukas.
Pero, paano nalang kung isang aksidente ang babago sa pananaw na iyon? Paano kung isang aksidente ang magpapakita sa kanila sa tunay na kahalagahan ng buhay?
Sa kanilang kuwento, isa ang mamatay habang ang isa ay mabubuhay. Ngunit, ayon sa nakatakda, ang dapat na namatay ay dapat pala na nabuhay at ang nabuhay ay dapat pala na namatay.
Isang misyon ang uusbong,isang anghel ang mangugulo, dalawang kaluluwa ang magsasalitan at isang katawan ang gagamitin para malaman kung sino nga ba sa kanilang dalawa ang dapat mabuhay lalo pa't pareho na silang nagkaroon ng pagkakataong patunayan ang kanilang kahalagahan.
Sundan ang kanilang misyon, buhay, pang-gugulo at love story.
Sa isang kuwentong magpapakita ng tunay na kahalagahan ng buhay, ng pamilyang palaging nandyan, ng mga kaibigan na hindi matutumbasan at ng isang pag ibig na walang hanggan.
Iha! Hindi ka dapat nandito!
Bakit ka sumunod?
Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako!
Kung hindi dapat ako nandito, e anong gagawin ko sa panahong ito?
Ako si Maria Luna valdez and this is my story.