If I tell you I love you, can I keep you forever? Umuwi siya ng Pilipinas at iniwan pansamantala ang masalimuot niyang buhay sa Japan upang maging tinik sa mga taong nananabik sa pagbabalik niya. Pahamak ang kanyang pinsan kung bakit ang kaibigan pa nito ang pinasundo sa kanya. Hindi tuloy naging maganda ang unang pagkikita nina Zarech at Allyssa. Nadisgrasya siya nang dahil sa mga babaeng nagkakagulo para dito pero partly siya naman talaga ang may kasalanan. Kung nagfocus lang siya at hindi nahumaling sa porma nito. Idagdag pa ang lantarang pag aasik nito ng kasupladuhan sa kanya. “Anu pang itinatanga tanga mo dyan? Get out of my car?” pagalit na sabi nito. “Wag kang mag alala, hinding hindi na ako sasakay sa bulok mong sasakyan,” padamog na sabi niya saka dinampot ang gitara. Sa bawat banggaan nila, hindi niya maintindihan kung nagkakataon lang ba o sinasadya ang bawat pagkikita nila dahilan ng pagsiklab ng World war III sa pagitan nila. Ngunit sa kabila ng estado nila nagagawa pa rin nitong maging concern sa kanya kaya hindi niya namamalayang unti unti nang nawawasak ang malaking pader na inilagay niyang harang. Binuksan nito ang maraming bahagi ng kanyang pagkatao ng hindi nito namamalayan. Maging ang lalaking minahal niya sa loob ng maraming taon ay unti unti rin niyang nakalimutan at nabaling ang atensyon niya dito. Pakiramdam niya may kaugnayan ito sa ilang bahagi ng kanyang nakaraan, umuokupa sa kanyang kasalukuyan at ang palaisipan sa kanya ay kung maging sa hinaharap ay magkakaroon rin ito ng puwang sa kanyang buhay.All Rights Reserved