Exact opposite ng tunay na ugali ni Abby ang naging first impression sa kanya ni Landon- gold digger, social climber at liberated. Dahil sa inis ni Abby sa unang pagkakataong nagkita sila ng binatang businessman, she pretends to have those personality na alam niyang nakaka-turn-off at nakakainis sa konserbatibong binata. Dahil madalas mag-clash ang kanilang personality, iniwasan nila ang isa’t isa pero wala silang magawa dahil mukhang tadhana ang nagtatakda para patuloy silang magkatagpo. Will they end up right even if they started with the wrong impressions?