Minsan, malalaman mo lamang ang halaga ng isang tao kapag ito'y wala na sa iyo. Umibig ako sa pinakamasayang yugto ng buhay ko, subalit kailanman hindi ako kayang mahalin ng taong inibig ko. Mahapdi ang masaktan, ngunit mas masakit ang umasa! Hindi basehan na kapag ikaw ang nagpunla ikaw din ang aani. May mga bagay kapag hindi mo pinahalagahan ay unti-unti ring mawawala at maglalaho mula sa mga palad mo. Lahat ng bagay ay naghihilom, maging ang sugat na malalim. Isinulat ko ang akdang ito na tigib sa luha ang aking mga mata. Walang kapantay na luha na tanda ng taong umibig at nabigo. Nang taong umasa sa isang bagay na kailan man hinding hindi mangyayari. Sa oras na ito, wala na ang sakit kaya nagawa kong ilathala ang akdang ito. Malaya ka na, pero mas malaya na ako. Kaya ko nang lumipad ng matayog, lumangoy ng malalim, tumalon ng napakataas, sumigaw ng malakas, maging totoo sa sarili ko at maging masaya.