Prologue
Minahal ko siya kasi akala ko siya na talaga yung huling lalaking dadating sa buhay ko. Chickboy siya at alam kong kalat yun sa buong campus namin pero despite of that pinili ko pa din siyang magustuhan. Kahit na may boyfriend ako nung time na nakilala ko siya. Siya yung laging nandyan sa akin nung panahon na kailangan ko ng kausap. Hindi niya ako pinabayaan.
Pero tingnan mo nga naman ang pagkakataon.
Akala ko kaya ko siyang baguhin, pero hindi ko nagawa.
Akala ko maayos pa pero hindi din nangyari.