Hindi na lingid sa ating kaalaman na halos mga wikang banyaga na ang nagmamanipula nitong ating bansa. Hindi lang wikang Ingles, kundi pati na rin Koriyan, Nihonggo o Hapones, Espanyol, at kung ano pa na nanghimasok na rin sa araw-araw nating pakikipanayam sa mga taong ating kinakahalubilo. Hindi ba't totoo? Tuwing nakakasalubong natin ating mga kakilala, may nalalaman pa tayong "Yo, sup dude?" "Annyeonghaseyo!" "Konnichiwa minna-san!" "Hola mi amigo?" at kung anu-ano pa. Tanong: Bakit ba nangyayari ito? Anong nangyari sa bansang dati'y mayaman sa mga Pilipinong bihasa sa sariling wika?