Matagal tayong nag-sama, nag-kasiyahan, nag-katampuhan.. pinagdaanan natin ang weeksary, monthsary, anniversary hanggang sa nag-abot tayo ng endsary. Gustuhin man natin makalimutan lahat ng ating pinagsamahan ngunit binabagabag parin tayo nito. Hindi natin alam kung kailan natin ito makakalimutan. Hindi mo man ito isipin, babalik at babalik ito sayo.
Kung dati'y iniisip mo siya at bibilis agad ang tibok ng puso mo dahil gusto mo siya, ngayo'y maiisip mo nalang na bumibilis ang tibok ng puso mo dahil sa kaba.
Kung dati'y pagnakikita mo ang kanyang mala-diyos na mukha iniisip mo na ang lalaking iyan ay iyo lamang, ngayo'y maiisip mo nalang na ang isang mala-diyos na mukha na dati ay sayo pa, ngunit ngayon ay hindi na.
Kung dati'y ikaw ang hinahatid niya, ikaw ang akbay niya, ikaw katawanan niya, ikaw kalaro niya sa PS3, ikaw ang babae sa buhay niya, ikaw ang kanyang laging kasama.. ngayo'y maiisip mo nalang na hindi na ikaw, kundi iba na...
Masakit isipin lahat ng pinagsamahan niyo lalo na kung wala na kayo at hindi na ulit ito mauulit pa.
patuloy parin ba akong guguluhin ng aking dating buhay? kailan kaya mananahimik ang ginising kong puso? mananahimik nalang ba ulit ako? sana lahat ng ating mga pinagsamahan ay mawala, lumaho, umalis na parang bula..
Tama sila, hindi lahat ng nagmamahalan ay masaya.. hindi lahat ng nagmamahalan nahahantong sa walang hanggang..
Hindi ko pwedeng imukmok ang sarili ko sa lalakeng minahal ko, tama. Lalake lang siya. Tao rin siya. Kailangan ko rin makalimot tulad ng pagkalimot niya sakin. Hindi ko pwedeng ibaba ang sarili ko dahil lang sa lalakeng iniwan ako.
I need to say goodbye..
Pheem and Chant have been married for six years. During that year, she never received love from Chant because the only woman he loves is her stepsister, who suddenly disappeared. When her stepsister came back. Chant didn't hesitate to divorce Pheem and deny the unborn child she was carrying.
After a year, their fate cross again. When Chant learned the truth about the child he denied years ago. He decides to get back his family. However, how will he do that if Pheem is now married to the man named Noryan, a famous and skilled surgeon?
TheKnightQueen 🍀