Normal lang magkagusto sa babae. Yan na lamang ang inisip ni Bj na isang bakla at may karelasyong lalake ng makadama ito ng pagkagusto kay Samantha, ang kanyang bagong kaibigan. Bartolomeo James Rodriguez or Bj is one of the most famous fashion photographer in the Philippines and in US. Dedikado at napakaseryoso nito sa kanyang trabaho. Isa siyang bakla kaya naging mas mahirap ang pagkuha ng respeto at pagkilala mula sa industriya na nararapat para sakanya. Sa pagkakaroon niya ng nobyo at ni minsang hindi pagkakaroon ng atraksyon sa mga babae, alam niya na isa nga siyang bakla. Ngunit nagsimula niyang pagdudahan ang kanyang kasarian sa pagdating ni Samantha sa kanyang buhay. Alamin ang kanyang mga natuklasan sa pagdating ni Samantha. 2016