Pagmamahal. Halos lahat naman siguro ng tao sa mundong ito ay gustong mahalin pabalik ng taong mahal nila, hindi ba? Lahat naman siguro ng tao ay gustong maranasang mahalin sila ng taong mahal din nila, hindi ba? Ngunit paano kung ang inaasahan mong magmamahal saiyo pabalik ay hindi ka naman talaga kayang maghalin pabalik sa panahong mahal mo sya? Handa ka bang maghintay o itutuon mo nalang ang atensyon at pagmamahal mo sa ibang tao?