"Mahirap maging Fangirl lalo na kung sobra mong minahal ang bias mo. Yung minsan umaabot na sa puntong di mo na pinapansin lahat ng nagkakagusto sayo kasi gusto mo siya lang. Lagi mong iniisip na sa napakaraming fans nila napansin ka rin ba niya? naalala ka pa ba niya nung minsan kayong nagkita sa events nila? mapapansin ka ba niya kapag nagkita kayo? at lagi mong dasal na sana sa libo libong babaeng nagkakagusto sa kanya sayo nalang siya mapunta, kahit na alam mong napaka imposibleng mangyayari di ka parin nagsasawang mangarap at magdasal kasi ganun mo siya kamahal. hindi ba? Masakit man sa damdamin na hindi kayo para sa isa't-isa mahirap man tanggapin na nakalaan siya sa iba, kailangan tanggapin labag man sa damdamin." Yan ang lagi kong bulong sa sarili ko dati. Ngunit, nabago lahat iyan ng dumating ang Araw na hinding hindi ko inaasahan.. ang araw na mapasakin ang lalaking sobrang hinahangaan at Iniidolo ko.All Rights Reserved