『COMPLETE』 Kung friendship rin lang ang pag-uusapan, hindi magpapatalo roon sina TJ at Livie. Well, naging matalik na magkaibigan sila dahil nagkataong pareho silang pinipilit maka-recover sa pagkawala ng kani-kanilang ina at kapatid. Pero ang katotohanang iyon ang nagbigay sa kanila ng dahilan para maging sandigan nila ang isa't isa sa panahon ng kasiyahan at kalungkutan. Masaya na si TJ na palagi niyang kasama si Livie at hindi ito kailanman nag-take advantage sa friendship nila. Pero ang hindi alam ni Livie, matagal nang may gusto rito si TJ. Due to a promise that he and his friends made right after high school graduation, itinalaga na rin niya sa kanyang sarili na si Livie na ang babaeng magsisilbing katuparan ng pangakong iyon. Kaya lang ang problema niya, hindi niya alam kung paano niya ipapaalam iyon dito. Pero hindi siya dapat sumuko. He'll have Livie in his life whatever it takes. Patutunayan niya na siya ang karapat-dapat nitong makasama habang-buhay. Until a dare gave him the hard push he needed to do what he could to accomplish his mission. Pero kung alam lang niya na magkakandaletse-letse ang lahat dahil doon, sana hindi na lang niya tinanggap ang dare na iyon...