Handa ka ba sa kahit na anong mangyari sayo saalang-alang lang na makuha mo ang gusto mo? Lalaban ka ba sa labang alam mo namang talo ka simula pa lang? Isusugal mo ba kahit ang katiting na pag-asang meron ka para lang makuha siya? Ipagpapatuloy mo pa ba iyon gayong alam mo nang umpisa pa lang talo ka na? Ito ang storya ng isang babaeng handang makipagsapalaran sa agos ng mundo na taliwas sa kanyang gustong mangyari sa kanyang buhay. Bawat hakbang niya'y may kapalit at kalakip na pagttiyaga. Handa siyang makipagsabayan upang malagpasan ang hadlang na ito.