Second Hand Love (Completed)

Second Hand Love (Completed)

  • WpView
    Reads 90,563
  • WpVote
    Votes 2,490
  • WpPart
    Parts 38
WpMetadataReadComplete Thu, Oct 27, 2016
Pagpapanggap at pagkukunwari. Ito ang kanyang expertise. Ang kanyang kabuhayan. Bilang undercover agent ng isang highly classified agency ng pamahalaan ng Pilipinas na sumusugpo sa pagkalat ng mga ipinagbababawal na gamot, kinailangan ni Celestine "Les" Rosete na bumalik sa baryong sinilangan at kinalakihan at magpanggap bilang isang teacher upang lihim na imbestigahan ang natanggap nilang impormasyon na may namumugad ditong isang malaking drug syndicate. Subalit ang kanyang pagpapanggap ay natuklasan ni Roman, ang lalaking pinagkalooban niya ng matamis na oo subalit pinagkaitan ng pagmamahal noong sila ay nasa high school pa lamang. Ang lalaking ginamit niya ang pagmamahal upang makamit ang pagmamahal ng iba. Roman Jovencio, the man with the sexy walk at isa ng matagumpay na negosyante. Pumayag ito sa kanyang pakiusap na itago ang kanyang lihim, for a price. Magpapanggap silang magkasintahan at gagawin nila ang mga bagay na ginagawa ng magkasintahan na ipinagkait niya dito noon. Sa lahat ng hinawakang assignment, pinaka-mahalaga para kay Les ang mabuwag ang sindikatong unti-unting lumalason sa kanyang mga mahal sa buhay at mga kababaryo. Kaya wala siyang pagpipilian kundi ang sumang-ayon sa kagustuhan ni Roman. Wala rin siyang nagawa ng mabihag nito ang kanyang pihikang puso. Ang pagpapanggap ay nauwi sa totohanan. Sa piling ni Roman, naranasan niya kung paano magmahal at mahalin ng walang kapantay, natuklasan ang isang tunay na pag-ibig na naging lahat sa kanyang buhay. Kaya paano niya tatanggapin ang sinasabi ng ilang kakilala na isa lamang siyang second hand love? Na ginawa lamang siyang pansamantalang pamalit ni Roman habang hinihintay na bumalik sa bansa ang babaing tunay na minamahal at nakatakdang pakasalan. Ang lahat ba ng kanilang pinagsaluhan at maging ang pagkatao ni Roman ay pawang pagpapanggap at pagkukunwari lamang?
All Rights Reserved
#14
espionage
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Onschatbare Liefde
  • Against You (Action-Romance)
  • The Billionaire's Weapon For Revenge
  • Love and Lie (Rampage Island) Completed
  • Audrey (Completed)
  • The Infinite List
  • My Chubby Romance
  • Captain Lester - The Captain of the Sea
  • Lion Heart (Touch #2)
  • THE BOSS OBSESSION (Mr. Red)

Audrey Lui Ramos isang dalagitang laking isla. Nagtataglay ng maamo at napaka-inosenting mukha. At sa mala-anghel na mukha nitong taglay, ay nagtatago ang isang matapang, pranka at buglar na personalidad. Unang kita pa lamang nito kay Naoh, ay nakaramdam na siya ng matinding paghanga sa binata.. At walang pangingimi nitong inamin sa binata, ang kanyang nararamdaman. Na umani lamang ng malakas na tawa at pag-iling mula sa binata! Paano niya makukumbinsi ang binata, na seryoso siya sa kanyang mga sinabi? Paano mapapasakanya ang binatang mailap? Kung isahan kaya niya ito sa isang pustahan? Kaya lakas loob niya itong hinamon sa isang pustahan! Pagkatapos ng apat o limang taon, magiging asawa rin kita, Noah! Noah Olivarez isang binatang sa edad 30 ay isa nang matagumpay na negosyante. Isa siya sa maituturing na young Billionaire sa bansa. Sa dami ng nagkakagusto at nahuhumaling na kababaihan rito kailanman ay wala siyang nagustuhan. Isinumpa rin niya sa sarili na hindi niya tutularan ang kanyang mga kaibigan.. Hindi siya magmamahal ng bata tulad ng mga ito! Tinanggap na niya sa sarili na kailanman ay hindi na siya makakapag-asawa pa. At pinangako niyang sa pagpapayaman at pagpaparami ng negosyo na lamang niya gugulin ang kanyang buhay. Ngunit paano kung isang pustahan ang makapagpabago ng kanyang pananaw? Paano kung sa isang bata rin ang makapagpapatibok sa pihikan niyang puso? Isang pustahan sa isang dalagitang, mas bata sa kan'ya ng labing anim na taon? Pupusta ba, siya? Ipupusta niya ba ang puso niya?

More details
WpActionLinkContent Guidelines