Si Janessa ang babaeng hindi lubos akalain na ipagpapalit ng kanyang boyfriend dahil sa nakilala lang nitong babae sa Omegle. Si Leonardo naman ay ang lalaking nagpakalasing dahil sa naibagsak nitong theology at maging ang pagluluksa nito sa long term girlfriend na nakipaghiwalay sa kanya bago nito tuluyang lisanin ang Pilipinas at mamuhay sa Canada. Sino nga ba naman ang mag aakala na sa pagiging brokenhearted nilang dalawa ay saka pa sila pinagtagpo ng tadhana? Sa muling paghahanap ng kanilang mga sarili at muling pagbubuo ng nadurog na mga puso ay ang muli rin nilang pagtanggap sa isa pang pagmamahal. Ngunit gaano ka katapang para sumugal sa panibagong pagmamahal na minsan na ring naging kabiguan para sa iyo? Makakaya mo bang muling ilaban ang pusong minsan na ring naging dahilan ng pagkaligaw mo?
More details