Story cover for Demigods In The Philippines: The Bizarre Beginning by MrSilentAuthor
Demigods In The Philippines: The Bizarre Beginning
  • WpView
    Reads 1,856
  • WpVote
    Votes 101
  • WpPart
    Parts 14
  • WpView
    Reads 1,856
  • WpVote
    Votes 101
  • WpPart
    Parts 14
Ongoing, First published Aug 27, 2016
Demigod at Greek Gods? Philippines? Anong connection ng mga diyos ng mga Greek sa Pilipinas?

Mga demigods. 

Hindi lang sa ibang bansa nagkaroon ng mga anak ang mga diyos at diyosa sa mortal. Lahat ng bansa ay may mga supling ang mga diyos ng Greece.

Totoo ang mga Greek God, Goddesses at lahat ng mga nilalang sa mitolohiya at nananatili pa rin sila sa mundong ibabaw, dahil doon meron paring mga mortal na espesyal na namumuhay sa mundo.

Sila ay tinatawag na demigod. Kalahating diyos, kalahating tao.

At ito ang simula ng kaguluhan dulot ng mga halimaw na nais wakasan ang mga buhay ng mga Half-Blood.
All Rights Reserved
Sign up to add Demigods In The Philippines: The Bizarre Beginning to your library and receive updates
or
#43demigods
Content Guidelines
You may also like
ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) by angelodc035
70 parts Complete
FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic) Pagkatapos maibalik ang alaala ni Odessa dela Rosa sa tulong ni Demetria ay sunod-sunod na dagok ang dumating sa kanyang buhay. Una ay ang pagkakadukot kay Laurea (Mariang Sinukuan) na itinuring niyang kapatid sa mahabang panahon. Nangangamba siya sa kalagayan nito dahil sa labis na paggamit sa kapangyarihan laban sa mga lamang-lupa. Pero naniniwala siya na may mas mabigat na dahilan sa pagkakadukot ng diwata. Pangalawa, ang pagkakatuklas ng kapangyarihan ni Randy bilang si Banaual, ang bunsong anak ni Bathala bilang tagapagmay-ari ng Eskrihala. Ano ang kaugnayan ni Banaual sa naging buhay ni Odessa dati? Pangatlo ay ang pagkikita nilang muli ni Claudius pagkatapos ng napakahabang panahon. Ang paghihiganti ni Odessa sa kanya sa kalapastangang ginawa niya sa kanya at sa mga kinikilala niyang magulang. At ang huli ay ang pagkawala ni Bathala at ang namumuong tensiyon at alitan sa pagitan ng mga diyos at diyosa para maipit ang mga tao sa muling pagsiklab ng digmaan ng mga anak ng buwan at mga elemental. Makakayanan pa kayang ipagtanggol ni Odessa ang mga tao sa pagitan ng mga naglalabang mga makapangyarihang nilalang? Makikilala na kaya ni Odessa ang tunay niyang mga magulang? Muli ay sundan natin ang pagpapatuloy sa pakikibaka ni Odessa laban sa kasamaan at samahan natin siya sa pagtuklas sa kanyang mga tunay na magulang.
I'M BORN AS ERYNDOR 3 : THE LOST QUEEN | UNEDITED by itsmarresemonika
49 parts Ongoing Mature
TITLE : I'M BORN AS AN ERYNDOR BOOK THREE : THE LOST QUEEN WRITTEN BY MARRESE MONIKA ** Hindi inaasahan ang pagbabalik ni Rini sa dating mundo. Pero sa mga oras na ito ay kasama na niya ang kaniyang mga kaibigan dahil sa isang misyon. Iyon ay hanapin ang dalawa pang mahihiwagang bato na napunta sa mundo ng mga mortal. Ang magiging susi upang maging permanenteng mabubuhay ang nakakatandang kapatid, lalo na ang pinuno ng mga diyos at diyosa ng mundong ilalim. Pero saan nila ito mahahagilap? Hindi naman inaasahan na nakikilala at mabibigyan sila ng tulong sa pamamagitan ng mag-asawang Ramael at Bethany Black, sa pamamagitan nila ay mas mapapadali para sa kanila na mahanap ang mga importanteng bagay. Nakuha nila ang impormasyon na napunta ang isa sa isang black market at nakahanda nang i-auction ito. Samantala ang isa naman ay napunta sa isang sikat na artista. Ngunit mas mahihirapan pa sila na mabawi ang mga ito. Sa kanilang pagbabalik sa Thilawiel, maraming nangyari habang wala ang kanilang presensya. Mayroon ding isang hinding inaasahan na rebelasyon na kanilang malalaman lalo na tungkol sa mga diyos at diyosa ng mundong ibabaw at mundong ilalim. Magiging unos kaya ito ngayong kailangan nilang harapin ang Panginoon ng mga demonyo? Sino ang magiging traydor na labis nilang pinagkatiwalaan? At sino ang tinutukoy na nawawalang reyna mula sa isang lihim na Kaharian? ** PHOTO NOT MINE. THANK YOU.
Ang Mahiwagang Lihim by NexStoriesOfficial
155 parts Ongoing
🔥Isang Kwento sa Mundo ng Nexmythos. 📜Bago pa isinilang ang Dakilang Anak , bago pa narinig ang unang tibok ng puso ng tao, may lihim nang itinago sa pagitan ng liwanag ng mga bituin at ng kadiliman. Isang lihim na hindi isinulat sa aklat ng panahon, kundi sa mismong hibla ng kaluluwa ng sansinukob. Isang lihim na hindi nilikha, kundi itinadhana upang maibalik muli sa balanse ang sansinukob sa napipintong pagkagunaw. Mula sa alon ng walang hanggang dilim, bumangon ang Tatlong Haligi ng Kadakilaan: Ang Espiritu, Ang Di-Matitinag na Kalooban at ang Likas na Lakas. Ngunit sa gitna ng kanilang pagkakaisa, may isa sa kanila ang lumihis ng landas dahil sa kasakiman... at tinawag ang sarili niyang diyos. Doon nagsimulang mabiyak ang langit. Ang mga tala'y nagdugo. Ang oras ay tumigil. At ang tinig ng liwanag ay tumahimik. Isang mahiwagang selyo ang inilimbag sa puso ng sangkalawakan, selyong walang sinumang mortal ang maaaring bumasa, maliban sa Isa. Isang nilalang na hindi lang isinilang, kundi ibinagsak sa daigdig. Isang nilalang na tila hamak na tao... Ngunit taglay ang kapangyarihang kayang gisingin ang mga patay na alamat at tapusin kahit pa ang pinakamakapangyarihang kasamaan. Ang mahiwagang lihim ay hindi hinahanap. Ito'y kusa lamang nagbubunyag... sa piling ng mga pusong handang masira upang buuin muli ang dakilang pag-ibig ng sansinukob. At sa pag-ikot ng mga bituin, at sa paghuni ng mga pangitain... Isinilang siya. Ang pangalan niya ay... hindi pa isinusulat sa kasaysayan. Ngunit malapit na. Dahil ang dilim ay patuloy na naglalakbay, at ang liwanag ay muling magtatanong: "Handa ka na bang tuklasin ang mahiwagang lihim?" 📖 Huwag palampasin ang bawat kabanata ng kwentong hindi mo malilimutan! #NexStoriesOfficial #NexMythos #NexMythosGenre #NexJavar #AngMahiwagangLihim #HariNgPulubi #PinoyStories #WattpadPH #FantasySeries #ActionAdventure #DarkFantasy #Romance #Mystery #HorrorFanatic #Underground #SecretPower #Mysterythriller #Fantasy #BattleOf
You may also like
Slide 1 of 10
BEDTIME STORIES Vol. 1 (Ang Koleksyon ng mga Maiksing Kuwentong Katatakutan) cover
Death Curse Escapade [BL]  cover
ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) cover
I'M BORN AS ERYNDOR 3 : THE LOST QUEEN | UNEDITED cover
Miedo de Luna (Published under PSICOM) cover
Ang Mahiwagang Lihim cover
BALETE CHRONICLES: Unang Aklat cover
Teenage Greek gods: The Fall of Olympus Book III cover
Yva: The Truth Beneath cover
The Rose Apple (Completed) cover

BEDTIME STORIES Vol. 1 (Ang Koleksyon ng mga Maiksing Kuwentong Katatakutan)

12 parts Complete

Kung alam lang ng lahat, noong unang panahon, nagkukuwento na ang ating mga ninuno ng mga kuwentong katatakutan. Mga kuwento tungkol sa mga nilalang na nakakatakot na halos hindi na tayo patulugin gabi-gabi-mga aswang, bogeyman, halimaw, demonyo, multo, at mga engkanto. Ito ang isa sa mga namana natin sa kanila. ang kahiligang magkuwento at makinig ng mga istoryang kahindik-hindik at kahila-hilakbot. Ang ilan sa atin ay mga seryosong nakikinig o ang iba naman ay apektado, at iilan rin sa atin ay hindi naniniwala o akala nila ito'y laro-laro lamang. Panakot sa mga batang pasaway at ayaw makinig sa mga nakatatanda. Pero lingid sa ating lahat, may mga istorya na magbibigay sa atin ng leksyon, lalong-lalo na, babala. Isang babala na magpapatunay na hindi lang ito laro-laro lamang... babala na magpapatunay may mga nilalang na talagang totoo at nagtatago lamang sa dilim... na hinihintay lang nila na sila'y banggitin... Mas makabubuti kung basahin mo na ang librong ito hangga't malakas pa ang loob mo at huwag mo nang hintayin pang dumating ang dilim... baka magsisi ka sa huli.