"Kailangan kong galingan sa lahat ng gagawin ko, kailangan maabot ko rin lang lahat ng naabot ni Ate, o kung hindi man, kailangan mas mahigitan ko pa sya." Iyan ang palaging nakatatak sa isip ni Cassy, ang tapatan o higitan ang Ate Betrice nya. Bakit? Dahil lumaki syang ikinukumpara sa nag iisa at nakakatanda nyang kapatid. Matalino, maganda, magaling ... kung mayroon mang perpekto sa mundo, siguro ay ang ate nya na iyon.... at dahil doon inaasahan ng lahat ng tao na kagaya rin sya ng ate nya. Pero ang sabi nga, ang bawat isa ay binigyan ng kanya kanyang katangian, kaya maiiba at maiiba si Cassy sa Ate nya. Pero sa mata ng maraming tao, lalong lalo na sa mata ng Papa ni Cassy, iisang dugo ang dumadaloy kay Cassy at Betrice, kaya't kung gaano kahusay si Betrice, ganoon din dapat kahusay si Cassy. Ang istoryang ito ay tungkol sa isang anak na pinapatunayan ang sarili nya sa pamilya nya, lalong lalo na sa Papa nya. Si Cassy ay pipiliting tapatan at higitan ang ate nya para makatanggap ng pagmamahal at pagkilala ng Papa nya. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, makikilala nya ang isang tao na magpapagulo sa direksyon ngbuhay nya-- Si Christian, ang taong makakalaban nya sa Extra curricular, Academics at sa pagkavaledictorian na isa pinaka pangarap na gustong abutin nya. Pero bago sila naging magkalaban, si Christian ay isa pinakamalapit na tao at kaibigan nya, pero dahil sagabal sya sa lahat ng pangarap ni Cassy... pinili ni Cassy'ng wakasan ang pagkakaibigan nila. Pero paano kung maglaro ang panahon? Muli sya mapapalapit kay Christian... this is a story about family, friendship and LOVE. Enjoy
11 parts