Bakit sa twing kausap ka Mundo ko'y puno ng saya Bakit pag kasama kita May ibang nadarama Kaysarap mong kakulitan Kaysarap mong maging kaibigan Lahat ay nagbabago Sa twing lalapitan mo ako Walang ibang hihigit pa Sa pakiramdam na kapiling kita Wala na kong hinahanap-hanap Kundi ikaw na aking pangarap Akala ko noo'y kaibigan lamang kita Ngunit tila mas lumalalim pa Ang pagtingin ko sa kanya Pag-ibig na nga talaga ! Paano mo malalaman Itong aking nararamdaman Gusto ko mang sabihin Ngunit baka ako'y balewalain Gusto ko sanang malaman niya Ngunit ako'y nahihiya Nais ko sanang malaman niya Ngunit baka naman umiwas siya Kahit gusto kong ipagtapat Hahayaan na lamang siya ang makaramdam Kahit malabo niyang malaman Magtitiis na lamang Kaya' ngayong ako'y lilisan Sana'y wag akong kalimutan Na mayroon kang kaibigan Na lihim kang minamahal Sana'y mabasa mo ang tulang 'to Kahit di mo alam na ikaw ang tinutukoy ko Nagbakasakali lamang na malaman mo Kahit man lang sa huling hininga koAll Rights Reserved