Si Lucy Zalcedo ay isang napakabait na anak. Marami siyang kaibigan at mahal na mahal siya ng lahat. Ngunit dahil sa kasakiman ng kaniyang mga magulang sa kasikatan at karangyaan, ginawa nilang pang handog ang walang kamuwang-muwang na si Lucy at napunta siya sa impyerno.
Doon niya nakilala si Eriot, ang tagapaghatid ng impyerno. Sa kagustuhan niyang huwag makapasok sa pulang pinto, kung saan naroon ang libo libong kaluluwa na pinahihirapan, nagdesisyon na lamang siyang maging isang ganap na tagapagsundo ng impyerno upang makita niya ang best friend niyang si Violet sa mundo ng mga tao at makausap ito.
Magtatagumpay kaya siya?