Si Di at si Jeye ay isang magulong highschool sweethearts. Nag umpisa ito nung 1st year sila dahil seatmates sila. Si Jeye ay umamin ng damdamin niya para dito at pinasabi lang ni Di ang nararamdaman nito sakanya sa kaibigan niya. Ngunit hindi na namansin si Di pagkatapos nito imbes, kinontra, minaliit, sinaktan ng mga salita at dineny nya ang nararamdaman kay Jeye sakanya at sa maraming tao dahil sa hindi dapat si Jeye ang makatuluyan niya dahil hindi ito ang ideal girl niya, parang hindi ito babae umasta at mukhang walang pararatingan sa buhay at... Torpe siya. Nakipag relasyon pa siya sa iba. Ngunit makalipas ang 6 na taon ay nagkrus ulit ang landas nila, nagulat na lamang siya kung sino si Jeye ngayon. Ngunit naniniwala siya na may nagbago man kay Jeye ay siya pa din ang taon yun, kaya naman pinakikitunguhan niya ito kagaya ng highschool pa sila.
"Bakit ba tinatrato mo ko ng ganyan? Hindi na ako yung sini sino sino mo lang nung highschool!" Ani jeye.
"Eh patay na patay ka sakin nun eh". Tugon ni Di.
"Ano naman kung gusto kita nun? Come on, katorse pa lang ako nun. May hangover ka pa?"
"Gusto ko magkagusto ka sakin"
"Bakit, may gusto ka ba sakin?"
"Wala ah? Syempre nakikita ko parang boring na boring ang mukha mo di kagaya nung may crush ka pa sakin nagmamaganda ka pa hahaha!" .
Silipin natin kung sino talaga si Jeye kay Di at kung ano na ngayon si Di sa buhay ni Jeye.