Naniniwala ka ba sa mga "WISHES?" Kumbaga, tuwing madaling araw ay gumigising ka para abangan ang "shooting star" para humiling ka. *** Meet Selena David, ang isang babaeng mabait, palakaibigan, caring person at masasabi mong nerd dahil mahilig siyang mag basa ng mga libro araw-araw. Kapag nasa labas siya ng bahay, isa siyang misteryosong babae na lagi nalang nakahoodie. Pero kapag nasa loob ng bahay ay madaldal at magandang pakisamahan. Si Selena ay laging gumigising ng madaling araw para maghintay ng shooting star para hingiin lang ang lagi niyang hinihiling, ang mapansin siya ni Caleb Lucas. Si Caleb Lucas ay ang pinaka gwapong lalaki sa buong campus nila pero hindi lumalapit sa babae. Pero PAANO? Paano kung ang hiling ni Selena na lagi niyang hinihingi ay matutupad dahil sa isang bagay na mapag lalapit sila?