Prologue " Ginawa ang mga babae para magdusa tayong mga lalake! They are our greatest distractions! Sinisira lang nila tayo! " " Nababaliw ka na ba Zach! " Peter roar...kwenelyuhan niya ako....pero hindi pa ako nababaliw kaya isang malutong na suntok ang isinagot ko sa kanya. Napaatras ito sa lakas ng suntok ko. " Ano ba! Tama na nga kayong dalawa! Isang grupo tayo! Ano bang nangyayari sayo...Zach! " natigilan ako sa tanong na iyon ni Arth...ano nga bang nangyayari sa akin...hindi ko din alam...basta ang alam ko lang galit ako sa mundo! " Limang taon na...Zach! Kalimutan mo na siya! Inilibing na natin siya di ba? Tayo pa ngang tatlo ang humukay ng libingan niya! Zach! Wala na si Reila! Matagal na siyang patay! Pero ikaw buhay ka pa....wag mong sayangin ang buhay mo! " galit na sermon ni Peter. " Peter pare...tama na...ano ba intindihin mo si Zach." Malumanay na paliwanag ni Arth. Tinitigan ako ng masama ni Peter.. " Kahit kelan hindi ko kukonsentihin ang pagiging adik mo Zach...sinisira mo ang buhay mo para sa taong limang taon ng patay! "
More details