Isa daw akong superhero, ewan ko lang ha. Wala naman kasi akong kakayanang lumipad, wala din akong kapa, wala akong magarang costume, at gadgets na hightech, ang alam ko lang ayaw ko ng bullies, mangongotong sa kalye, gangster at mga nanakit ng walang laban. Kaya ayun naisipan kong maging vigilante.... Yun nga lang hindi sa lahat ng pagkakataon ay ok ang pagtulong ko... Ewan ko ba at bakit naisipan kong tulungan ang magandang demonyitang yun, tinulungan mo na't lahat tinarayan kapa. Sayang lang ang powers ko ha, peo hindi siya maalis sa isip ko. Parang anghel ang ganda pero monster naman ugali nya. Oh siya mga reader subaybayan nyo nalang ang aking pakikipag-sapalaran!