Di ba dapat kung kanino ka ipinangalan, halos kapareho mo din ng ugali at kapalaran yun? Medyo kabaliktaran lang naman kase yung kay Cinderella o 'Ella'. Sobrang irony. Adventurous at napakatapang nyang nilalang. Sa panaginip. Pero sa totoong buhay, medyo feeling prinsesa, medyo mean, medyo tamad, medyo pa-nerd at medyo napagkaitan ng Prince Charming o kahit Knight in Shining Armor man lang. O diba, MEDYO IBA lang talaga. Isang babaeng imbes walis tambo at basahan ang dapat na laging hawak, nakahilata sa higaan at nakasubsob sa libro. At sa bawat gabi, niyaya sya ng Knight in Shining Armor na nakasakay sa unicorn para magpakasal. Hanggang panaginip nalang ba? O may real life Prince Charming or Knight in Shining Armor din sya?
10 parts